Hindi ko akalaing makakarating ako dito. Tagahanga ako ng kasaysayan, at isang karangalan para sa akin ang makapunta sa Simbahan ng Barasoain. Nagkataon na naimbitahan kami ng pamilya ko sa isang kasalan na dito ginanap. Nasabik talaga ako nang malaman kong dito yun gaganapin. Ito yung simbahan na nasa likod ng sampung pisong pera noon (ito yung brown na papel na pera).
Nahirapan kaming kunan ng "solo pic" ang simbahan. Dahil na rin siguro sa mga bisita ng kasalan, ang daming sasakyan na nakaparada sa harap nito. Mabuti nga't nakunan pa ng asawa ko ito nang ganito mula sa kanyang cellphone. Sa loob, hindi ito gaanong kalakihan. Wala itong "aircon."

No comments:
Post a Comment