halagang sampung piso |
Isang beses ay nakita namin ang isang mamang sorbetero at tinawag namin ito para makabili kami. Dalawa ang flavor na ibinebenta ng mama: keso at tsokolate. Pwedeng parehong flavor ilagay sa isang apa, pwede ring isang flavor lang. Simpleng simple lang ang lasa pero nakakapagpasaya para sa akin. Nag-"level up" na rin ang dirty ice cream kasi meron na silang sugar cone (hindi ko kasi masyadong gusto yung tradisyunal na apa na matabang at kumukunat).
No comments:
Post a Comment