Ito ay matatagpuan sa tabi/habang-daan ng kalsada papuntang Sta. Cruz, Laguna. Kung galing Manila, nasa kaliwang panig ito. Matagal ko nang naririnig ang
kinulob na itik, pero di pa ako nakakasubok nito. Di ko maalala yung eksaktong presyo, pero mahigit 100 piso ang benta nila sa kinulob na itik. Yung kinulob na
pekin duck naman, 290 piso.
|
Mga Pekin Duck ng Itlog ni Kuya |
Bumili rin kami ng kanilang itlog na maalat. Hindi ito kulay pula, gaya ng karaniwan nating nabibili. May sticker lang sila na idinidikit sa balat ng itlog na may tatak nilang "Mr. Duck."
Tamang-tama lang ang alat ng
salted eggs nila, di gaya ng madalas na nabibili na sobrang alat. Masarap papakin kahit walang kasama.
|
Puto Cake ng Itlog ni Kuya |
Yung
kinulob na itik naman, masarap din! Mas nagustuhan ko yun kaysa dun sa kinulob na
peking duck kasi para sa akin mas malambot yung laman nung kinulob na itik. Pero masarap din ang lasa ng kinulob na
peking duck,
promise :D
Yung
puto cake, panalo din! Kasi yung salted eggs nila ang nakalagay. Must-try din talaga. Salamat uli sa asawa ko para sa mga larawang ito galing sa kanyang
cellphone.
No comments:
Post a Comment