Monday, August 20, 2012

Katakataka

Mula sa hardin ng isang kamag-anak, nakita namin ang isang halaman na parang may tumutubong bulutong o tigyawat sa dulo ng mga dahon nito.  Sabi ng nanay ko, katakataka daw ang pangalan ng halamang iyon.  Kumuha ang nanay ko noong "tigyawat" niya at nilagay sa isang plastik at inilagay sa kanyang bag.  Tinanong ko kung ano ang gagawin niya sa mga iyon, sabi niya itatanim niya daw pag-uwi namin.
Nakalimutan na ng nanay ko na naglagay siya ng "bulutong" ng katakataka sa bag niya, naalala niya lang 2 araw na mula nung umuwi kami galing dun sa kamag-anak naming may katakataka.  Nilabas niya ang mga "tigyawat" na ito at binudbod sa ibabaw ng lupa na nasa tasa.  Nakakagulat kasi kinabukasan, parang nagkaroon na nga sila ng ugat!  Itong larawan ay kuha 8 araw pagkatapos itong ibudbod ng nanay ko sa tasang ito.

No comments:

Post a Comment