Sunday, August 12, 2012

McDonald's Big N' Tasty

Sobrang naku-cute-tan lang ako sa lalagyan/kahon ng McDonald's Big N' Tasty kaya kinunan ko ito ng larawan.  Gusto ko balang araw malaman ng mga susunod na henerasyon na minsan nagkaroon ng ganitong kahon ang isang klase ng burger ng McDo.
Hindi lang yung kahon ang maganda, pati yung lasa.  Masarap siya kasi kumpleto sa sahog:  keso, gulay, dressing.  Kapag lahat yun nagsama-sama sa loob ng bibig habang ningunguya, boom!  :D
Hindi ko lang sigurado kung ito na ba ngayon ang kanilang Big Mac o meron pa rin nun tapos bukod pa itong Big N' Tasty
Ang bili namin dito ay 182 piso, may kasama na yun na large Coke at large fries.

No comments:

Post a Comment