Natutuyo ang balat ng anak kong 3 taong gulang kapag ginagamit niy ang isang uri ng sabon sa matagal na panahon (di ko nasukat eksakto, pero parang tatlong linggo ang tagal bago matuyo ang balat niya sa isang sabon). Noon ay hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganon, pero nadiskubre ko rin na dapat magpalit siya ng gamit na sabon tuwing ika-3 linggo ng paggamit ng isang sabon. Naisip kong pagpalit-palitin ang Tender Care at yung Safeguard Ivory Care kada 3 linggo, at umepekto naman. Mula noong ganun ang gawin ko, hindi na siya nagkakaroon ng magaspang na balat sa batok at sa singit ng braso.
Ngayon ay kailangan nang bumili ng sabon ng anak ko, pero ang napuntahan naming pamilihan ay walang tindang Tender Care (Safeguard kasi itong huling gamit niya). Ang mga mapagpipilian lang namin doon sa mga tinda nila ay Enfant, Dove, at itong Nivea (pasensya naman, di na kami gumagamit ng Johnson's kasi talagang tuyo agad ang balat ng anak ko pag yun ang gamit). Pinili namin itong Nivea kasi mas banayad ang amoy nito kaysa doon sa Enfant. Di ko napili yung Dove kasi dalawahan ang bili sa halagang 99 piso. Ito namang Nivea at Enfant ay pareho ang presyo na 39.75 piso at parehong 100g.
Kinuhanan ko ito ng larawan kasi na-cute-an ako sa kahon nilang ito. Tsaka gusto ko ring maitala na minsan ay sinubukan namin ito. Isang beses pa lang ito nagamit ng anak ko, titingnan pa namin kung hindi matutuyo ang balat niya sa mga susunod na araw.

No comments:
Post a Comment