Dati ko nang
naririnig na sikat na kumbinasyon ang Jack Daniel's (para na itong
"Colgate" ng Tennessee Whiskey) at ang Coke. Nagulat kami ng asawa ko na meron na palang
nabibili na magkahalo na nito! Nakita
namin ito sa isang supermarket.
Bumili kami para masubukan, at ang bili namin dito ay 125 piso. Sa tunog nito ay mura siya kasi naka-Jack
Daniel's ka na ng wala pang 200 piso.
Pero nang mabuksan at makatikim na kami, naku, ang liit lang pala ng
boteng ito! Ang sarap kasi kaya parang
gugustuhin mong tumagay nang tumagay.
Tapos hindi pa siya matapang kaya parang ayos lang na inumin siya na
parang umiinom ka lang ng softdrinks.
Naalala ko tuloy noong mga bandang 1999 hanggang mga unang taon ng
bagong milenyo, ang mga sikat na inumin sa mga bar/club/sayawan ay Mule at
Vodka Ice na mga tig-125 din ang isa.
Siguro yang mga ganyang inumin ang gustong maabot ng Jack Daniel's kaya
nila ginawa yang Jack Daniel's with Cola.
MALIGAYANG PASKO!!
No comments:
Post a Comment