Di ko maalala kung saan ko nakuha ito, pero hindi ko na rin ito gaano nagamit dahil pagkatapos ko ng kolehiyo ay di na ako halos gumagamit ng ballpen kasi puro sa cellphone at computer na lang ako nagsusulat.
Nahalungkat ko lang ito nang minsang kailangan kong magligpit ng gamit. Hindi na siya sumusulat nang subukan ko. Ewan ko lang kung painitan ko sa apoy ang dulo nito, di ko pa nasubukan (nasubukan ko dati sa ibang ballpen na hindi sumusulat, nang painitan ko sa apoy ng lighter ang dulo nito na ipinangsusulat sa loob ng ilang sandali, dumulas ito at sumulat uli sa papel).
Napatawa ang 4-na-taong-gulang kong anak nang makita niya ito. Natatawa siya sa itsura (para din kasing nangungusap ang mukha ng ibon na para bang nagpapatawa ang mukha niya).

No comments:
Post a Comment