Lumabas ito noong dekada 90. Akala ko wala na ito ngayon pero nakakita kami sa isang supermarket nitong Disyembre 2012. Bumili kami para malaman kung ganoon pa rin ito gaya ng dati.
Ganoon pa rin nga, wala akong nalasang pagbabago. Kung noon ay hindi ko maintindihan kung bakit nila ginawa ang ganitong inumin, hanggang ngayon ay di ko pa rin ito maintindihan. Kasi malapit siya sa amoy ng serbesa, pero matamis naman ang lasa nito at halos wala namang pait. Ginawa ba nila ito para sa mga 17-taong-gulang na di pa pwedeng uminom ng serbesa pero gusto na? Para bang ihinahanda nila ang mga teenager na masanay sa amoy-serbesa? Masarap nga itong inumin pero di ko maintindihan kung ihahanay o iuuri ko ba ito sa mga softdrinks na pwedeng gawing panulak sa pagkain ng tanghalian o hapunan?

No comments:
Post a Comment