Saturday, January 26, 2013

Coffee Beans

May nagbigay sa amin ng coffee grinder at ng coffee beans.  Medyo nasabik ako kasi nagsasawa na ako sa instant na kape, tsaka hindi ata biro ang magkaroon ng ganitong kasangkapan ang isang bahay (parang luxury lang ito, kung i-ka-kategorya ko ito).  Binasa ko ang instructions at hindi na ako nagpa-tumpik-tumpik pa.  Inilagay ko ang tamang dami ng coffee beans sa grinder (mga 9 na kutsara daw ng coffee beans para sa 12 tasa ng kape). 
Inilagay ang takip.
ito yung base ng coffee grinder
Inilapat sa base.


Sa pag-grind, nakapindot lang dapat (press and hold) sa takip habang dinudurog nito ang mga butil ng kape.  Nakalagay sa panuto na mga 15 segundo ang pagpindot kapag nasa maximum ang dami ng kapeng dinudurog.
Pagkatapos ng 15 segundo ay ito na ang itsura ng dinurog na coffee beans.  Bukas ay ipapakita ko naman kung paano ito ginagamit sa coffee maker.

No comments:

Post a Comment