Monday, January 21, 2013

Frying Pan at Swift Noche Buena Ham

Kapag pasko, hindi ako sanay na walang hamon sa kakainin namin.  Ayos lang sa akin kung walang prutas o queso de bola, pero pag walang hamon, parang hindi pasko.  Kaya naman nitong Disyembre, hindi namin pinalampas na walang hamon.  Kaya lang, nung bibili na kami ay isang linggo na lamang at pasko na.  Habang papalapit ang okasyon ay lalong tumataas ang presyo ng hamon.  Sanay din ako na Purefoods Fiesta Ham ang hamon, pero maluwag sa kalooban ko na sumubok ng iba para na rin makamenos. 
Nung araw na bibili kami ng hamon ay halos 500 piso na ang presyo ng Purefoods Fiesta Ham.  Ang una naming nakita na hindi Purefoods Fiesta Ham ay ang Swift Noche Buena Ham, at ang presyo nito ay 185 piso.  Walang atubiling kinuha ko ito agad kasi naisip ko naman na Swift ito, isang malaking kumpanya din na pinagtitiwalaan ko rin dahil parang magkaribal sila ng Purefoods.  Tapos malaki ang mamemenos ko kung ikukumpara ko ang presyo sa Purefoods Fiesta HamAt least noong araw na iyon ay hindi ko na poproblemahin ang hamon para sa aming Noche Buena.
Sanay din ako na tinu-Turbo Broiler ang hamon, kaya pinasalang ko iyon sa nanay ko.  Nang hahanguin na iyon ng asawa ko, napansin niya na ang lambot tusukin ng hamon de bola na iyon.  Nang matikman namin, masarap ang lasa dahil meron din ito nung matamis na sarsa kagaya ng sa Purefoods Fiesta Ham.  Pero nang kagatin na namin, ayun na!  Hindi siya buong karne!  Para itong giniling na karne na hinaluan ng napakaraming harina o extenders.  Kinabukasan ay naisip namin na hiwain na lang ito at pritusin para mabawasan yung kalambutan niya na malapit na sa salitang "malata."  Pwede na rin naman siyang kainin, ika nga sa wikang Ingles ay edible.  Pero para sa akin, hindi nito naibigay yung pakiramdam ng pasko.  At least ay alam na namin na hindi na kami bibili nito sa susunod na mga pasko.

1 comment:

  1. Nakabili akong 2 swift pear shaped ham at ng cdo hamon de bola at laking panghihinayang ko na malambot, dry, at matabang. Sana bacon na lang o spam ang binili ko.

    ReplyDelete