May nakapagbigay sa amin nitong Mushroom & Herb Risotto ng Trader Joe's. Madalas naming makita ito sa mga "cooking shows" sa telebisyon, pero parang di pa talaga kami nakakatikim nito sa totoong buhay.
Kanin din naman pala ito, pero di siya sinasaing. Ayon sa panuto ng paketeng ito, igigisa ang bigas sa 1 hanggang 2 kutsarang mantika (olive oil) tapos saka ito bubuhusan ng tubig na pinagkuluuan ng karne (broth). Pero wala kaming pinagkuluuan ng karne, kaya nagtunaw ang asawa ko ng chicken cubes sa 3 tasa ng tubig. Iyon ang ibinuhos niya na nagsilbing "broth." Pina-iga iyon sa mahinag apoy at dinagdagan ng pakonti-konti pang "broth" nang naiiga na iyon hanggang sa tuluyang maluto. May kasama ding pulbos ng flavoring na ihinalo nang maluto na ang risotto. Masarap naman, kaya ko itong kainin nang walang ulam.

No comments:
Post a Comment