May nakita akong mga coupon ng Jollibee sa bahay namin dahil daw ito ay kanilang 35th Anniversary Promo. Tiningnan ko ang mga kondisyon nito at nakita kong hanggang a-28 ng Pebrero lamang ito. Medyo matamlay at walang ganang kumain ang 4-na-taong-gulang kong anak kaya gusto namin siyang pakainin sa labas sa pag-asang sumigla siya at makakain ng marami-rami. Tamang-tama ang pagkakaroon ng mga coupon na ito.
Kinuha ko itong Jolly Hotdog sa promo na nagkakahalaga ng 55 piso na may kasamang inumin. Medyo matagal na akong hindi nakakita at nakakain nito, at natuwa ako sa bagong pagkakabalot nito. Para kasing compact ito at madaling dalhin. Pagbukas ko ng kahon, medyo nagulat ako na parang ang liit ng tinapay. Sa totoo lang nalito ako kung yung tinapay nga ba ang lumiit o yung hotdog. Pero masarap pa rin siya, halos ganun pa rin ang lasa gaya noong una itong lumabas noong dekada 90.

No comments:
Post a Comment