Nitong huling 3 taon ko lang nalaman na ang bagel pala ang parang pandesal ng mga Amerikano sa Amerika. Dati ko nang nakikita ang bagel sa Country Style pero hindi ko ito pinapansin. Pero nito ngang nalaman kong bagel pala ang parang pandesal ng mga Amerikano, nagpabili ako nito sa asawa ko para malaman ko kung ano pakiramdam na mag-almusal ng ganito sa halip na pandesal. Nakabili siya pagkatapos ng alas-7 ng gabi kung kailan binabawasan nila ang presyo. Pinabili ko yung walang palaman, at nabili niya ito sa halagang 40 piso. Sanay ako na malambot ang pandesal, pero ito palang bagel ay bahagyang mas makunat o mas matigas kaysa pandesal. Pero di gaya ng pandesal, wala itong hangin o parang di ito gaanong maalsa, kaya mas "solid" ang kagat. Pinainit ko naman ito sa aming oven toaster, pero siguro iba pa rin ang lambot nito kung mainit-init pa itong galing sa tindahan.
No comments:
Post a Comment