Di ko na maalala kung kelan ako unang nakatikim ng Trail Mix pero mula noon, naging paborito ko na ito. Kaya naman nitong huling pumunta ang asawa ko sa Estados Unidos, pinasalubungan niya ako nitong Archer Farms Simply Trail Trail Mix. Sa Target niya ito nabili. Masarap naman ito, pero di ko alam na nagkakaiba-iba pala talaga ang Trail Mix depende sa tatak. Nasabi ko ito kasi di ko pa nalilimutan kung gaano kasarap yung unang binigay sa akin ng asawa ko na Kirkland ang tatak. Napansin ko parang nangingibabaw yung alat ng mani nito kaysa doon sa Kirkland, pero kahit ganun ay gusto ko pa rin itong Archer Farms Simply Trail Trail Mix. Gusto ko yung pinaghalo-halong tamis ng tsokolate, alat ng mani, at yung lahat ng iba pang lasa at gaspang gaya ng pasas at almonds. Palagay ko ang Pinoy na Trail Mix ay yung mga mixed nuts gaya ng Ding Dong.
Saturday, March 9, 2013
Archer Farms Trail Mix

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment