Isang beses na ginutom kami sa daan ay dito kami napadpad sa Hungry Hippo sa isang gasolinahan sa SLEX. Naaalala ko noong kalagitnaan ng dekada 90 ay nakapunta na rin ako dito, pero hindi pa ganito ang loob nito. Walang kadise-disenyo noon at simpleng puti lamang ang mga dingding. Sa pagkakaalala ko noon, hindi kaaya-ayang pumasok dito noon. Pero ngayon, medyo sosyal na ito kumpara noong nakito ko noong dekada 90. Makulay ang kapaligiran. Kaaya-aya nang pumasok at tumambay. Nasa sulok at likod ito ng gasolinahan na para sa akin ay nagbibigay ng pakiramdam na "exclusive" o pribado ang lugar na para bang mga piling tao lang ang makakasama mo. Hindi katulad ng sa mga sikat na kainan na dagsa ang mga tao.
No comments:
Post a Comment