Tuesday, January 28, 2014

Road Trip - Los Baños - January 2014

Kadugtong ito ng paskil ko kahapon.  Napadpad naman kami sa Los Baños, Laguna.  Para sa mga curious kung ano na itsura ng ilang bahagi ng Los Baños ngayon...

Galing Maynila, nasa kanang bahagi ito ng daan patungong UPLB.

Sa bahaging ito madalas "traffic."

Olivarez Plaza, Los Baños, Laguna.

Ayan, halos magkakadikit na ang mga jeep dahil sa "traffic."

Nakatigil kami dahil sa trapik, nakuhanan ko tuloy itong tindahan sa tabi ng daan na natapatan namin.

Pakiramdam ko halos lahat ng bayan sa Pilipinas ay may PureGold.

Nakatabi naming jeep habang trapik.

Ito ring mga ito, parang hindi nawawala sa mga bayan sa Pilipinas: Jollibee, Mercury Drug, 7-Eleven.

Ayos din kung may bakod ang sidewalk.

Uy, may "traffic light" sa Crossing.

No comments:

Post a Comment