Nakita ko ito sa mesa namin kaninang umaga. Tinanong ko sa nanay ko kung ano yun, sabi niya pan de mani daw. Na-curious ako kasi ngayon ko lang narinig ang ganung "pamagat" ng tinapay. May naglalako daw niyan at iba pang klaseng tinapay kaninang umaga sa lugar namin at doon niya ito nabili. Ang bili niya dito ay 5 piso. Ang gusto ko talagang matikman dito ay yung palaman. Matamis at lasang lasa ang vanilla sa palaman na iyan, at malalasa rin nang konti ang lasa ng mani. Sabi ng asawa kong minsan nang naging panadero, gawa rin daw ang palaman na iyan sa pulbos ng mga lumang tinapay.
No comments:
Post a Comment