Kung mapapansin, ang tagal kong hindi nakapagsulat/nakapagpaskil dito. Nagkaroon kasi ng isang mahalagang kaganapan sa aming pamilya at naging abala ako dito. Sana sa pagbabalik kong ito ay makapagtuloy-tuloy na ako at makapagbigay o makapagbahagi pa ng mas marami pang kaalaman at karanasan.
Nakita ko itong Pure & Best Milk na ito sa supermarket. Nakuha nito ang atensyon ko kasi mga imported na gatas lang ang alam kong naka-karton ng ganito. Naalala ko ang isang eksena sa pelikulang GROWN-UPS kung saan nang-agaw ng ganitong karton ng gatas ang isa sa mga bida para ipakita sa apat-na-taong-gulang niyang anak na ayos lang uminom mula sa karton. Kinuha ko ito at nabili sa halagang 27 piso. Kinabukasan ko na binuksan ito, at dun ko lang nabasa na sa Calauan pala ito ginawa! Ang mga baka daw na pinanggalingan ng gatas ay galing daw sa Australia at New Zealand. Sa lasa naman, masarap siya. Hindi gaanong matapang ang lasa ng melon, hindi gaya ng sa Magnolia. Hindi rin gaanong matamis, at iyon ang mas gusto ko sa gatas. Nakakabilib na dito lang ito galing sa atin sa Pilipinas.

No comments:
Post a Comment