Tuesday, December 4, 2012

Breakfast: La Bella Casa de Boracay

Wala akong masabi sa serbisyong natanggap namin sa La Bella Casa de Boracay.  Dito kami tumuloy nitong pumunta kaming Boracay ngayong taon.  Yung almusal namin tuwing umaga ay inihahatid sa aming kwarto (meron nakatalagang kainan pero nakahiwalay kasi ito sa kwartong natuluyan namin).  Itinatanong nila sa amin sa gabi kung anong gusto naming almusal sa umaga.  Pati kung anong oras namin gustong matanggap yung almusal, isinasa-alang-alang nila.
Sa ating mga pinoy, karaniwan na ang mga "silog" (sinangag-itlog).  Ganito ang kanilang mga almusal dito, pipili ka na lang kung ano pa ang makakasama ng silog.  Ang ilan dito ay nakalarawan sa mga litrato: corned beef, hotdog, bangus (pinirito), at tocino.  Yung iba pang pwedeng mapagpilian ay tapa at longanisa.  Pwede ka rin mamili kung garlic/sinangag o plain rice (sinaing) lang ang kanin.
Isa pang hinangaan ko sa kanila ay ang juice at kape.  Madalas kasi sa mga hotel o kainan ay mamimili ka lang ng isang inumin, kung kape lang, o juice lang, o tsaa lang.  Dito, kailangan parehong meron - juice at kape.  Hindi juice o kape.  Kaya pag tinatanong nila sa gabi tungkol sa almusal kinabukasan, pinapipili nila kami sa juice: mangga, kahel, o pinya.  Tapos pinapipili pa nila kami kung kape, mainit na tsokolate, o tsaa.
Pati sa itlog, pwede kaming mamili kung binati o "sunny side up" ang klase ng luto.  Nasiyahan ako sa ganitong estilo nila na para bang nakakapamili ang kanilang panauhin.

1 comment:

  1. Hello!
    I just found out this blog subra po akong nasurprise . Thank you so much po ..

    ReplyDelete