Sabi dito sa pakete nila, Japanese Pork Bone Soup daw ang pinagbasehan nito. Ayos naman siya, hindi siya maanghang (akala ko kasi lahat ng mga bagong nilabas ng Lucky Me! ay maaanghang). Nakakaadik talaga itong mga instant noodles ng Lucky Me! pero ayoko namang pagbigyan ang kaadikan na iyon dahil nakakataba naman kapag lahing kumakain ng mga ganito (at least sa akin, ganun ang epekto).
Medyo may kamahalan ang presyo nito, dahil maliit lang ito per 19 piso ang bili namin dito. Akala ko ang ganung presyo ay para dun sa mas malaking ganito.
No comments:
Post a Comment