Thursday, December 6, 2012

Kababayan From Supermarket

Namangha ako kasi parang ngayon lang ako nakakita ng ganito sa supermarket (sanay kasi akong nakakabili ng kababayan sa mga panaderya na doon din mismo niluto).  Tapos nang makita ko ang presyo, nagulat ako sa taas nito, 17 piso itong isang balot na ito na may 4 na pirasong kababayan.  Ang alam ko kasi, yung ganito kaliit ay piso hanggang 2 piso ang isa.  Nang matikman namin ng asawa ko, nasarapan naman kami.  Sabi ng asawa ko, mukhang cake flour daw ang gamit sa halip na tersera (o bread flour, klase ng harina na karaniwang ginagamit sa paggawa ng tinapay sa mga panaderya).  Mas mahal daw ang cake flour, kaya daw siguro mas mahal ang presyo ng kababayang ito.

No comments:

Post a Comment