Sunday, December 2, 2012

KFC BBQ Rods

Kasama ito sa in-order namin kahapon.  Ang bili namin dito ay 85 piso at may kasama na itong inumin.  Nagulat ako sa pinagsamang java rice at itong "BBQ" nila sa bibig ko, ang sarap!  Pati anak ko, mas ginusto itong kainin kaysa doon sa 1-piece Original Recipe Chicken na binili din namin.  Matamis itong sauce na bumagay doon sa manok at java rice (palagay ko ito yung tinatawag na java sauce).  Hindi naman mukhang inihaw yung manok, parang pinirito lang din.  Kahit ganun, masarap din ang kinalabasan sa kumbinasyon na ito.

No comments:

Post a Comment