Pa-iga ang tawag namin sa ginawa kong pagluto sa mga longanisang ito. Pagsalang ko ng kawali ay nakalagay na agad ang mga longanisa na may kaunting tubig. Tinakpan ko ang kawali at mahina lang ang sindi ng apoy. Nang ma-iga o maubos ang tubig, hinahalo-halo ko ang mga longanisa at lumabas ang kanilang natural na mantika. First time ko ginawa ito. Narinig ko lang sa mga usapan ang ganitong pagluluto sa longanisa at sinubukan ko ito ngayon. Lumabas din ang mga tunaw na asukal na parang naging sarsa ng longanisa. Nagustuhan ko itong ganitong pagluluto dahil bawas na ang mantika, di pa ako natakot matalamsikan ng putok ng mantika kapag nagpiprito. Ang longanisang ito nga pala ay Pampanga's Best Native Longaniza.
No comments:
Post a Comment