Hindi ko maalala kung saan ko unang narinig o nakita ang "Sinigang na Lechon," pero dito sa bahay ay nagluto ang kapatid ko ng ganito. May mga natira silang lechon at naisip niyang magluto ng sinigang. Ang mga tinilad nang karne ng lechon ang naisip niyang maging pangunahing sangkap ng kanyang sinigang. Ayos din naman ang kinalabasan, may naiwan pa ring lasa ng lechon ang karne. Tapos may nahihigop pang sabaw at may makakain pang gulay. Nakakatakam talaga. Paminsan-minsan ay may pakinabang din ang pag-e-experiment o pagsubok sa pagluluto lalo na ng mga tirang pagkain. Basta ba hindi panis at hindi masama ang lasa ng kalalabasang luto ay pwedeng pwede tong kainin ng aming pamilya.
No comments:
Post a Comment