Papunta kami kanina sa bahay ng hipag ko at naisip naming bumili ng pasalabong habang nasa daan. Medyo mahilig ako sa Cassava Cake at tiyempo may nadaanan kaming malaking plaka na nakalagay "CASSAVA CAKE." Itinabi namin ang sasakyan sa karatola na iyon. Doon ko lang nalaman na Ralo's Cassava Cake pala iyon. Bumili ako ng dalawang kahon - isang malaki na nagkakahalagang 170 piso at isang maliit na kahon na ang presyo ay 90 piso. Dalawa ang binili ko kasi sa amin ang isa at yung mas malaking kahon ang ibibigay namin sa hipag ko bilang pasalubong.
Nakakatuwa ang kahon kasi talagang disenyong regalo siya at sadyang pampasko ang tema. Hindi na rin kailangang alalahanin ang "gift tag" dahil meron na ito. Pangsulat na lang ang kailangang alalahanin. Pag-uwi sa bahay, tinikman namin ito agad. Sarap! Pero parang mas nagustuhan ko yung dati naming nabili sa Colette's Buko Pie na minsan ko na ring naipaskil dito. Mas nagustuhan ko yung sa Colette's kasi parang mas tustado ang pagkaluto noon. Pero masarap din itong Ralo's walang duda :)

No comments:
Post a Comment