Friday, December 21, 2012

Starbucks

 
Wala yata akong kilala na ayaw ng Starbucks.  Ang ayaw lang nila ay ang presyo, pero kung lasa ang pag-uusapan, halos lahat ng kilala kong nakasubok na ay nagustuhan ang mga pagkain at inuming nabibili dito.  Itong nasa larawan ay kuha sa Starbucks Boracay.  Ang inumin ay ang kanilang Peppermint Mocha (di ko maalala kung grande o venti ito) na ang halaga ay 165 piso.  Ang mga kakanin sa larawan ay ang kanilang Apple Fritter at Cinnamon Roll na parehong nagkakahalaga ng tig-58 piso.  Sabi ng asawa ko, tinanong daw niya kung iba ang presyo ng mga tinda nila rito kaysa sa mga tinda nila sa mga sangay ng Starbucks sa Maynila.  Nasabi daw ng kawani na mas mataas ng bahagya ang mga presyo nila kumpara sa mga regular nilang sangay.

No comments:

Post a Comment