Medyo mahilig ang asawa ko sa curry, kaya naman hindi namin pinalampas ito nang huli kaming kumain sa Ryuma Restaurant sa Paseo de Sta. Rosa. Ang halaga nito ay 200 piso at kasya ito para sa dalawang tao. Masarap ang espesyal nilang ito noong araw na iyon, maninipis ang hiwa ng karne ng baka. Para ngang noon lang ako nakatikim ng Beef Curry, kasi madalas manok ang nakakain kong curry. Para sa mga taong mahilig gumamit ng credit card, pwede din yang gamiting pambayad dito sa kainang ito. Hindi kami nagsasawang magpabalik-balik dito dahil natutuwa ang anak namin dito at parati silang may mga "special for the day."
No comments:
Post a Comment