Japanese restaurant ito pero nagsilbi sila nitong spaghetti na pagkaing Italiano. Siguro ay para ito doon sa mga taong hindi gaanong mahilig sa mga pagkaing Hapones o kaya'y para sa mga bata. Marami din ito na kayang pagsaluhan ng dalawang tao. Masarap din ito at katakam-takam. Nagkakahalaga ito ng 100 piso at isa din ito sa kanilang mga espesyal noong araw na iyon. Isa pang bagay na gusto namin dito sa Ryuma Restaurant ay ang malinis nitong kapaligiran at hindi amoy pagkain ang loob ng kainan, kaya walang pag-aalala na mangangamoy pagkain ang damit at katawan paglabas ng kainang ito.
No comments:
Post a Comment