Sa balot pa lang ay humanga na ako dahil ang ayos nang itsura. Kumuha kami nito kasabay noong pagkuha namin ng libreng Classic Burger (paskil kahapon). Ito na ang pinakamura nilang burrito sa halagang 165 piso (ka-presyo ng kanilang Vegetarian Burrito).
Masarap ito pero hindi ito gaanong nagustuhan ng 4-na-taong-gulang kong anak. Baka dahil mas nagustuhan niya lang talaga kainin yung Classic Burger. Hindi ko maalala kung nakatikim na nga ba ako ng burrito o hindi, pero medyo nagulat ako na may kanin ito sa loob! Tapos nangingibabaw ang lasa ng beans na talagang nagbibigay ng pakiramdam na Mexicano. Marami din itong gulay sa loob.

No comments:
Post a Comment