Nakatanggap kami ng libreng Classic Burger ng Army Navy bilang isang regalo. Sinubukan namin agad ito kasi ramdam ko nang medyo may kamahalan ang presyo nito na tipong hindi ito ang una kong pipiliin kung kailanganin naming kumain sa labas. Nang dumating kami doon, ayun na nga, tumpak ang pakiramdam ko dahil 165 piso ang presyo nito. Buti na lang makukuha namin ito ngayon nang libre.
Itsura pa lang parang nakakatakam na. Akala ko komo ito ang pinakamura nilang burger ay maliit din ito. Pero hindi naman pala. Malaki din ito, at ayon sa nalaman ng asawa ko ay quarter pound din ang laki nito. Masarap siya! Malasang malasa at lasap ang lasang baka. Medyo tuyo o kulang sa juiciness ang tingin ko (siguro dahil well done o lutong-luto ang pagkaluto nila dito), pero di ko na alintana yun dahil sa sarap ng timpla nito. Tsaka siguro naikumpara ko din siya sa burger ng Bite Club na natikman ko noon na parang medium-rare ang luto kaya mas malambot at juicy. Pinaghati-hatian lang naming mag-anak ito pero hindi naman ito nagkulang sa amin (may iba pa kaming kinuha at di rin kami gutom na gutom nang pumunta kami dito). Ang 4-na-taong-gulang kong anak ay nagustuhan din ito na talagang sinunod-sunod ang pagkagat dito!

parang salsa at tartar sauce na kasamang ibinigay sa order namin |
No comments:
Post a Comment