Nabili namin ito noong bandang umpisa ng Disyembre. Napukaw nito ang atensyon ko kasi kulay dilaw ito tapos Royal ang tatak. Hindi ko maalala eksakto pero parang mga 26 o 29 piso ang bili namin dito. Di ko maintindihan, pero parang di ko masyadong naramdaman ang "lemon" dito sa inumin na ito. Pero dahil sa "ispirito" o fizz nito, kaaya-aya pa rin itong inumin.
No comments:
Post a Comment