Sa kinuha naming "family meal," pinapalitan namin ang Spaghetti Platter ng kanilang Carbonara Platter. Masarap naman pero karaniwan na ang lasa nito (ibig kong sabihin ay halos ganito din ang lasa ng ibang carbonara na nabibili).
Mukha namang marami ang nakalagay pero parang eksakto lang sa amin ang pagkain sa "meal" na ito. Sabi sa menu ay pang-5 hanggang 6 na katao ito at kapag sinabing "person" ay akala ko mga pangkaraniwang "adult" (mga edad 13 pataas). Ang grupo namin ay kaming mag-asawa at tatlong batang edad 4 hanggang 8. Kaya nang kinuha namin ito ay kampante ako at naiisip ko pang baka may sobra. Pero wala, ubos lahat! Ni hindi nga ako naka-isang basong inumin (iced tea). Kaya natutunan ko sa karanasan naming ito na kaya din ng mga bata na kumain ng singdami ng sa nakatatanda lalo na kapag mga "pambata" ang pagkain (gaya ng pritong manok, spaghetti, at pizza).
Maligayang Araw ng mga Puso!
No comments:
Post a Comment