Nawala na naman ako ng ilang araw. Pasensya naman, naiilang kasi ako magbukas nitong desktop computer namin kapag ganitong mainit ang panahon. Walang aircon ang kwarto kung saan ito nakalagay, kaya baka kako mainitan ang computer. Grabe talaga ang init sa Pilipinas kapag tag-init na ang panahon! Pero yung mga dayuhang galing sa malalamig na bansa, gusto naman ang panahon natin na ganito.
Ang larawan ngayong araw na ito ay itong Marks & Spencer Red House Wine. Hindi ko alam kung ano ang halaga nito dahil may nagbigay lang sa amin nito. Masarap siya, hindi matapang ang amoy ng alkohol. Nang mainom ko ay hindi rin siya masyadong maasim, pero talagang may naiiwan na konting pakla. Tsaka sa tingin ko hindi siya masyadong makapal inumin, banayad lang talaga.
Mainam din na ang takip niya ay synthetic lamang na tapon. Sa karanasan ko kasi sa cork na tapon, minsan nadudurog ito at nahuhulog ang ilang piraso sa alak, at kapag ganun ay medyo nadidiri na ako. Medyo nahirapan lang kami pagbukas kasi talagang kapit na kapit ang synthetic na tapon nito.

No comments:
Post a Comment