Haay isa pa itong sikat dito sa Pilipinas kapag mainit ang panahon: Mais Con Yelo! Nabili namin ito sa Mang Pablo's sa san Pablo City sa halagang 30 piso. Gawa ito sa de-latang corn kernels, kinaskas na yelo, malabnaw na gatas, at konting asukal. Noong bata pa ako, mas kilala ko ito kaysa halo-halo. Tsaka nung bata pa ako, di ko pa kinakain yung ibang lahok ng halo-halo gaya ng beans at ube. Pero ang mais, hilig ko na kahit nung bata pa ako kaya pag nakakakain ako nito, naaalala ko ang masayang kabataan ko.
No comments:
Post a Comment