Bata pa lang ako meron nang Minute Burger. Nakakahanga na hanggang ngayon ay andiyan pa rin sila. Naaalala ko pa ang natatangi nilang lasa o timpla mula noong una akong nakatikim ng pagkain nila nung bata pa ako.
At ngayong mahigit 30 anyos na ako ay nagkaroon kami ng pamilya ko ng pagkakataong makabili ng kanilang Black Pepper Burger. Natakam kasi ako sa malaking paskil sa labas nila sa produkto nilang ito at na-enganyo naman kaming sumubok.
Ang galing kasi mahigit 40 piso lamang ito na dalawang piraso na (parang buy 1 take 1). Bumilib din ako sa "packaging" nito.
Naka-kahon ito na sosyal ang dating! Pati ang litrato ng mga sangkap sa labas ng kahon, ang ganda ng pagkakakuha at pagkaka-imprenta.
Itong isang gilid ng kahon, nakalagay "Bacon Cheese Burger" pero sa kabila niyan, nakalagay yung Black Pepper Burger. Ibig sabihin ito rin yung kahon kapag "Bacon Cheese Burger" ang binili.
Meron pa talagang "Re-heating Instructions" para kung sakaling hindi ito makain agad ay pwede nga naman ipainit uli. Galing talaga, parang pang-banyagang kainan!
Masarap din itong Black Pepper Burger, lasa nga na tinimpla siya sa paminta. Andun pa rin yung natatangi nilang lasa o timpla, di ko masyadong mailarawan yung sinasabi kong lasa na yan, pero yun yung lasa na sa Minute Burger ko lang nalalasahan.

No comments:
Post a Comment