Thursday, July 12, 2012

Kainan sa Bahay

Ito ang mga niluto ng nanay ko noong ika-60 kaarawan niya.  Simple lang, kami-kami lang naman sa bahay ang kakain eh.  Pero itong ganitong kainan, halos sigurado akong hindi ko ito mararanasan sa ibang bansa.
Mahilig din mag-bake ng cake ang nanay ko, kaya heto, meron din ditong simpleng cake.  Meron ding sinantomas, di ko alam kung nagluluto din ng ganito sa ibang bahay.  Siguro sa kaldereta ko na ito pinakamalapit na maihahalintulad.  Yung inihaw na tilapya na may sawsawang pinaghalo-halong toyo, kalamansi, bawang at sibuyas, classic talaga!  Lalo pag outing sa beach o swimming pool!  Yung lechon dito, bumili lang ang nanay ko ng 3 kilo ng liempo, tapos pina-hurno niya yun sa isang bakery.  Kung may lechon man sa ibang bansa, di ko ma-imagine kung kasing-sarap o kasing-lasa din kaya yun ng lechon natin dito.  Haay, ang sarap maging Pilipino sa Pilipinas :)

No comments:

Post a Comment