Hindi lang talaga isang kainan lang ang Isdaan, kundi isa rin itong pasyalan. Nabitin ako nung una kong makasama ang pamilya ko dito, kaya't bumalik kami. Nung una kaming pumunta dito ay gabi at madilim pa. Pero ngayong pangalwang punta namin, hapon at maliwanag pa.
Masaya talagang dalhin ang pamilya dito. Kahit anong edad, matutuwa dito. Una akong nakapunta sa Isdaan sa Gerona, Tarlac noong 2007. Dalaga pa ako noon. Hindi ko masyadong nalibot ang paligid nun kasi naiinitan ako sa sikat ng araw.
At ngayon ngang 2012, kasama ko na ang sarili kong pamilya na nakapunta sa Isdaan sa Calauan, Laguna. Hindi rin naman nalalayo ang itsura nito sa Isdaan sa Gerona. Meron din dito sa Calauan nung sikat nilang Tacsiyapo Wall. Sabi nila mainam daw itong bahaging ito ng Isdaan para sa mga taong may tinatagong galit para mailabas nila ito sa pamamagitan ng pagbato at pagbasag ng mga kasangkapan sa dingding nito. Para sakin, bago ko pa marating yung Tacsiyapo Wall, sa pasukan pa lang ng Isdaan, nawawala na lahat ng galit ko kasi ang ganda ng mga istruktura sa paligid!
Kahit doon sila pinakasikat, sa Tacsiyapo Wall, marami pang ibang dahilan para pumunta sa Isdaan. Namamangha ako sa mga malalaking istruktura doon, gaya nung higanteng unggoy at higanteng Golden Buddha. Pati yung mga hayop na buwaya, kalabaw, unggoy, at iba pa na mukhang totoo. Ika nga nila, life-size. Paano nila napagawa ang mga iyon?
Meron ding Disney characters at iba pang characters mula sa mga sikat na pelikula. Meron ding mga pulitiko gaya nina Pres. Erap at Pres. Cory. Meron ding mga istatwa ng mga iba-ibang lahi at kulturang Pilipino. Nakakatuwa talaga dito.
Meron ding mga fishpond at fountain. Meron ding boat ride na 20 piso ang bayad pagsakay. Marami pang ibang gawain gaya ng pamimingwit ng isda. Noong pumunta kami dito nang gabi, may nag-magic show at cultural and dance show. Meron ding umiikot na nanghaharana sa mga kumakain, at nakasulat sa mesa na 20 piso ang tip sa mga musikerong iyon. Bagay na bagay talaga hindi lang sa mga pamilya kundi sa mga magkakabarkada din.
Ang mga bata hindi rin maiinip dito. Sa tanawin pa lang, natutuwa na sila. Meron ding mga palaruan para sa kanila. Yung anak ko at yung mga pinsan niya, tuwang-tuwa dun sa mga sasakyan at see-saw na plastik (Little Tikes).
Muli, maraming salamat sa asawa ko sa mga larawang ito mula sa kanyang cellphone.

No comments:
Post a Comment