Sanay tayo sa Yakult, at di ko noon naisip na may lalabas pang ibang tatak para sa ganoong uri ng inumin. Bata pa lang ako meron nang Yakult, pero di ko alam kung para saan ba ang inumin na iyon. Nito na lang matanda na ako nang malaman ko na nakakatulong pala ito sa pagtunaw ng pagkain sa ating tiyan. Nakita namin itong Nestle Bear Brand Probiotic Drink at kinuha namin ito nang masubukan. Pareho lang din sila ng lasa ng Yakult. Pareho din sila ng presyo, 40 piso.
Nais ko sanang painumin nito ang anak kong 3 taong gulang dahil nagkaroon siya ng problema sa pagdumi nitong nakaraang buwan. Nang inalok ko siya nito, sabi niya, "ayoko, pang-adults lang 'yan." Natawa ako at nagulat sa sinagot niyang iyon! Hindi pa siya nakakapagbasa, pero nung nakita niya ang logo sa bote, inakala niyang ito yung inaalok ni John Lloyd Cruz sa kanyang patalastas na Bear Brand Plus for Adults. Natawa talaga ako, o baka naman may kiling lang ako dahil anak ko siya :)

No comments:
Post a Comment