Saturday, May 24, 2014

Bulldog

Hindi ako naku-cute-tan sa Bulldog.  Yung Labrador o Golden Retriever, yun talaga yung aso na pag nakita ko, gusto kong yakapin.
Pero pangalawa lang yun kasi ang pinakagusto ko talagang aso ay Aspin o asong pinoy.
Pangatlo na lang siguro yung Siberian Husky, tapos Jack Russel Terrier.  Kaya lang parang yung Jack Russel Terrier nung kapitbahay namin, nangangagat at nangsisira ng gamit, parang "minus points" naman yun para sa akin.
Tapos nakita ko ito sa palabas na Barter Kings sa Bio Channel - isang tuta na Bulldog!  Hindi ko nga lang narinig kung British o American Bulldog iyon.  Pero na-cute-tan ako sa kanya!  Hindi ko mapigilang kumuha ng larawan sa telebisyon namin.
Ang dami ko ngang kuha eh kasi di ko matyempuhan yung naka-close up yung tuta, kung saan ang cute-cute niya talaga!

Sabi dito sa palabas, ang halaga ng tutang yun ay $2000.  Grabe ang mahala pala nun.







Friday, May 23, 2014

Bahaghari (Pebrero 2014)

Nakapagpaskil na ako noon ng larawan din ng bahaghari, pero ang isang ito ay nakunan ko noong Pebrero 16, 2014 sa isang bahagi ng Calauan, Laguna.  Bihira lang ako makakita ng matingkad na bahaghari.  Madalas kasing nakikita ko ay medyo malabo.  Kaya nang makita ko ito na mas malinaw kaysa sa mga dati ko nang nakikitang bahaghari, di ko napigilang kunan ito ng litrato.   Tumatakbo ang sasakyan habang kinukunan ko ito at sakto namang napatapat sa poste ng kuryente nang makuha ang larawan.  Mas malinaw pa ito sa aktwal, di makuha ng camera ang eksaktong itsura na nakita ng mata ko.

Tuesday, May 20, 2014

My Bakery Story - Pebrero 17, 2014




















Monday, May 19, 2014

My Bakery Story - Pebrero 16, 2014





Sunday, May 18, 2014

My Bakery Story - Feb. 15, 2014




Saturday, May 17, 2014

My Bakery Story - Valentine's Day 2014






Friday, May 16, 2014

Mga Larawan Mula Sa Aking Nilalarong "Bakery Story"

 Mga kuha ito noong Pebrero 13, 2014.
Sana kapag nasa "camera mode" di na lang nakikita yung mga puso na thought bubble, kasi natatakpan/di makita yung mga pagkain :(
 Mula sa 17 larawan, 5 lang ang ipinapaskil ko dito ngayon.
Ang cute ng candy apples at nung love potion.