Wednesday, January 8, 2020

Tea and Biscuit



Nasubukan ko na ito dati, pero ngayong may nagbigay sa amin nito, masusubukan ko uli ☺️.  Pero di ko pa rin siya masyado ma-gets, kung bakit gustong gusto ito sa England, at talagang sinasabi nilang perfect match.  May mga tea party pa ngang tinatawag, mga ganito pala ang sentro nun.  Di ko ma-gets kasi parang ang tabang ng combination 😅. Pero one thing na nasiyahan ako ngayong naggaganito ako ngayon is yung I felt warmth..medyo malamig ngayon dito sa amin (sabi sa phone ko 26*C), pero nawala yung slight ginaw ko (yes maginaw na ito para sa Pilipinas, naka-shorts at sando pa rin ako sa ganitong panahon kaya medyo ginaw na ako 😅).  Siguro kaya gusto rin nila ito doon sa England para mainitan sila.  Hindi rin kaya nila gets yung ating perfect combination na kape at tinapay? ☺️🤓🤔

Monday, January 6, 2020

Heinz Peppa Pig Pasta









Parang yung de-latang pork & beans din yung sauce.