Monday, February 17, 2020

Pasalubong Items from Rose & Grace



Doon namin nabili ang mga yan sa Rose & Grace Restaurant sa Sto. Tomas City, Batangas. Ayan ang mga presyo--₱50 yung "polvoron bread" (yung mukang moon), 10 piraso; ₱60 hopia, 12 piraso; ₱50 pinagong, 6 piraso. Yung polvoron bread gusto ko kasi di siya matamis pero malinamnam. Yung hopia matamis. Yung pinagong, ok lang pero may ibang pinagong na mas gusto ko ang timpla.

Ang ganda nung "pasalubong store" sa loob ng restaurant na yun kasi mukha siyang grocery ng mga pasalubong ☺️

Sunday, February 16, 2020

San Marino Premium Mackerel in Natural Oil

Baliktad yung lata kasi nasa ilalim yung easy-open tab niya. Ayan pala ang laman--tatlong pirasong isda tapos may strips ng luya.

Saturday, February 15, 2020

Snacks from Japan


May nagpasalubong lang ☺️

Friday, February 14, 2020

Wegman's Dark Chocolate with Raspberry Flavored Flakes




May nagpasalubong lang galing America. Parang wala pa akong nakitang ganitong brand ng chocolate dito sa Pilipinas.

HAPPY VALENTINE's Day 💝❤️❣️💘

Thursday, February 13, 2020

Alps Bus Name Collection

Pansin ko lang kasi parang may kanya-kanyang name ang mga bus na ito. Idadagdag ko kung ano pa ang ma-capture ko 😊

Wednesday, February 12, 2020

Olive Energy Skin Care






Bigay lang ng isang family member na galing Japan. Like ko yung concept ng cleansing oil kasi feeling ko hindi mada-dry yung skin while cleansing. Yung moisturizer walang amoy, so di ako masyado nag-aalala na may harsh chemicals na napupunta sa skin 😊

Tuesday, February 11, 2020

Goodcook Utensils




Nabili namin sa Handyman January 11, 2020. Tig-₱65 ang isa 😮☺️ Oks naman ang performance, mas magaling compared dun sa mga dati naming ginagamit na black non-stick utensils din na mga nabili lang sa supermarket.

Monday, February 10, 2020

Eng Bee Tin Cream Bread




Nabili namin for ₱55 sa Cash and Carry Makati.