Tuesday, December 11, 2012

Mang Inasal Chicken Bilao

Sinubukan namin ito kasi parang mas makakamura kami kung ganito ang bilhin namin.  Ang mga kumain nito ay kaming mag-asawa, ang nag-iisa naming 4-na-taong-gulang na anak, at ang nanay ko.  Sabi sa telebisyon at sa karatola nila sa tindahan, 299 piso ang halaga nito.  Gumamit kami ng Senior Citizen Discount mula sa nanay ko, at ito'y naging 230 piso na lang.  Hindi ito "unlimited rice."  Wala rin itong kasamang inumin.  Masarap naman talagang kainin ang manok ng Mang Inasal.  Ingat lang sa pagsaid ng buto dahil may mga pagkakataon na medyo hilaw pa ang laman lalo na yung talagang nasa sulok at nakadikit sa buto.

No comments:

Post a Comment