Friday, January 31, 2014

Road Trip - Sta. Cruz, Pila, Victoria, Calauan, Bay - January 2014

 Byahe na uli tayo kagaya ng sa paskil ko kahapon at nung mga nakaraang araw.  Ngayon naman ay baybayin natin ang daan mula Sta. Cruz, Laguna papuntang Bay, Laguna.
Pasensya na sa kuhang ito kasi di ko pala nabago ang setting ng camera ko dito.

Gusto ko kasi makuhanan ang gusali/tindahang ito na para bang "imported."

Sa labas ng isang mall.




Haay...nagagandahan ako sa kuha kong ito.

Gusto ko yung ganitong daan - maluwag at nalililiman ng mga puno.




Ang sikat na Itlog ni Kuya ng Victoria, Laguna.




Napansin ko yung tindahan sa bandang kanan: HOLIDAY 24/7, parang napakasaya naman :D

Alam kong nasa Pila na ako kapag nakita ko ang malalaking itik.


Kasunod pala ng Pila ay Calauan (mula Sta. Cruz)






Thursday, January 30, 2014

Road Trip - Bay, Calauan, San Pablo City - January 2014

Ito naman yung ilan sa mga nadaanan namin mula Bay, Laguna papuntang San Pablo City.
Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng daan na ito, pero papunta itong San Pablo City.

Palagay ko Bay pa ito pero papunta itong bayan ng Calauan.

Ito yung mga nakikita sa tabi, mga palayan.

Hep hep hep, may PureGold na sa Calauan!

Ito na yung pinaka-town proper ng Calauan.


Ang pinya sa plaza ng Calauan.

Ito naman yung daan mula Calauan papuntang San Pablo.

Ito yata yung tinatawag nilang Brgy. Balayhangin.

Gusto kong makuhanan na pataas at paliko-liko ang daan.











Nagagandahan ako sa tanawin ng bundok sa tapat na ito ng daan.



Ito na yung boundary ng Calauan at San Pablo City.











Napatigil kami sa tapat na ito nang magbigay-daan kami sa isang paglilibing.