Sunday, July 29, 2012

Peach Latte

Minsan noong Disyembre 2010, naisip naming mag-kape kasi malamig ang panahon.  Buti na lang bukas na yung Figaro doon sa amin noon.  Pwede naman kaming magkape sa bahay, pero gusto lang din namin lumabas.  Medyo makati din kasi ang paa namin eh :D
Pag-order namin, inalok kami ng serbidora ng peach latte.  Bago daw kasi nila yun, tsaka parang seasonal lang yun noon.  Nung hinihintay namin yung order, di ko ma-imagine kung ano ang lasa ng prutas na ihinalo sa kape.  Nakakagulat kasi ang sarap niya!  Hint lang naman yung peach para sa akin, pero ayos yun kasi kala ko di ko na malalasahan yung kape.  Nalaman ko sa sarili ko na kahit ano pa ang i-flavor nila, ang mahalaga mangingibabaw pa rin yung lasa ng kape (at least para sa akin).
Yung isa pang kinuha namin ay macchiato ata.  Ayos lang, di naman ganun ka-pambihira (di gaya nung una akong makatikim ng Starbucks noong 1999, sabi ko "sh*t, ito ang kape!").  Pero hanga ako sa disenyong ginawa nila sa bula (froth).  Alam ko parang napakakaraniwan na ng mga nagdidisenyong ganyan sa kape, pero hanga pa rin ako kasi hindi ko kayang gawin yan pag nagtitimpla ako ng kape sa umaga.

 

No comments:

Post a Comment