Sa trabaho ng asawa ko, nagkakaroon sila ng bisitang galing Estados Unidos para usisain ang kanilang opisina. Nagtatagal sila dito ng ilang linggo. Sa hotel sila umuuwi kapag nandito sila.
Minsan ay iniuwi ito ng asawa ko, binigay daw yan ng bisita nila bago umuwe pabalik ng Amerika. Akala ko dala-dala niya iyon galing Amerika. Matagal-tagal din bago ko napansin na galing pala iyon sa hotel, nakasulat sa likod ng pabalat. Naisip ko, siguro wala nang panahon na pumunta pa sa mall o iba pang pamilihan yung bisita na yun kaya dun na lang siya sa hotel bumili. Nakakatuwa talaga ang mga hotel ano, parang lahat ng kailangan mo naibibigay nila.
Masarap tong tsokolate. Talagang nalalasahan yung alak at mint. Naku-curious tuloy ako kung saan nila pinapagawa ito. Nakalagay din homemade, hindi nga kaya isang commercial factory ang gumawa nito at sa bahay lang talaga ginawa, o yung timpla lang niya ang "homemade?"

No comments:
Post a Comment