Pauwe namin galing Barasoain, tumigil muna kami sa Shell Station sa SLEX para magbanyo at mamahinga nang kaunti. Tuwing tumitigil kami nang ganito sa mahabang biyahe, ewan ko ba, lagi na lang ako naghahanap ng malamig na inumin.
Sa loob ng convenience store, isa sa mga counter doon ay Cinnabon. Nakita ko doon na may 50% off daw. Lumapit ako para malaman ang detalye. Pinaliwanag sa akin nung kahera na pag bumili ako mula doon sa isang listahan nila ng malalamig na inumin, kalahati na lang ang babayaran mo sa isa pang inumin. Sakto, type ko talaga ang mga promo.
Ang napili ko ay yung kanilang Mochalatta Chill at yung isa ay Choco Chill - di ko masigurado kung ano nga bang eksaktong pangalan nung pangalawa. Ang pinagbayaran ko para dito sa dalawang inumin na ito ay 205 piso. Sa halagang yun, tig-isa na kami ng asawa ko ng inumin (madalas kasi kapag ang inumin ay halagang 125 piso o mas mataas pa, isa lang ang binibili ko at share na kami doon). Salamat uli dito sa cellphone pics ng asawa ko.

No comments:
Post a Comment