Saturday, August 4, 2012

Shakey's

Wala pa ring kupas.  Naaalala ko pa nung bata pa ako, mga 1987-1990, kumakain kami ng Tatay, Nanay, at kapatid ko sa Shakey's pagkatapos magsimba.  Mga 6:00 ng gabi ata kami nagsisimba noon kaya eksakto panghapunan ang kakainin namin doon.  Ang naaalala ko, pagpasok doon sa Shakey's ay medyo madilim at amoy sigarilyo.  Dim lang ang ilaw, tapos colored glass yung parang pinaka-lamp shade ng mga ilaw sa bawat mesa.  Rootbeer na nasa pitsel (pitcher) ang madalas ino-order ng Tatay ko.  Tapos syempre pizza.  Yung Manager's Choice ang madalas naririnig ko sa kanya pag umo-order.  Minsan parang may tumutugtog pa nga na live show band.  Tsaka parang may nakikita ako noon sa ibang mesa na may order silang serbesa, yung iba nga nasa draft pa.
Pero ngayon iba na ang Shakey's.  Maliwanag na at hindi na amoy sigarilyo.  Wala ring serbesa sa menu.  Wala na ring tumutugtog.  Karamihan sa dating putahe, andun pa din.  Pero maraming nadagdag.
Ngayon na may sarili na rin akong anak at asawa na dadalhin sa Shakey's, at minsan nga ginawa namin.  Isa sa mga kinuha namin ay Hero Hungarian Sausage combo.  Noon lang yatang panahong iyon meron nung combo na iyon.  Yung Hero na sandwich, may kasamang iced tea.  Nagkakahalaga iyon ng 129 piso.  Isa pang kinuha namin ay Hero Salad N Chicken na nagkakahalagang 133 piso.  Kumuha rin kami ng pizza, pero yung regular (pinakamaliit) lang na sukat.  Minungkahi sa amin ng serbidora na pwedeng dalawang klase ng "flavor" sa isang pizza ang kuhanin namin.  Medyo nagtitipid kami, kaya ang kinuha naming 'flavor" ay ang kanilang Pepperoni at Classic CheeseThin crust ito at nagkakahalagang 189 piso.
Naging masaya ang karanasan naming ito sa Shakey's.  Siguradong uulit kami kapag makaluwag-luwag uli kami.  Medyo naaalatan pa rin ako sa pagkain nila, pero what the heck, hindi naman ito madalas ;)  Tsaka sa pangkalahatan, masarap pa rin sila.  Salamat uli sa mga cellphone pics na ito ng asawa ko.

No comments:

Post a Comment