Merong cookbook sa bahay namin galing Estados Unidos na napakatagal nang nasa amin. Matagal na ito sa amin pero hindi ko ito halos binubuksan para basahin. Karamihan kasi ng mga cookbook na galing ibang bansa, di ko masunod ang recipes kapag may sahog na hindi nakukuha dito sa Pilipinas. Ang pangalan ng cookbook na ito ay 50 Ways To Cook Fast. Pagkatapos ng humigit-kumulang sampung taon, ngayon ko lang uli ito bubuklatin. Iba na rin ang pananaw at maturity ko kesa nung huli ko itong nabasa.
Ngayon na sinusubukan ko nang magka-interes sa pagluluto, iba na ang pagtanggap ko sa mga lutuin dito sa aklat na ito. Itong nakita ko, pwede kong subukan. Gaya ng nabanggit ko, di ako masyadong nagluluto at wala akong common sense sa kusina. Kaya kapag may mga recipe, kailangan ko silang sundin at hangga't maaari ay ayokong may nababali sa nakasaad na direksyon o tagubilin. Sa dahilan ding ito, mapili ako sa mga recipe na susubukan. Sinisigurado ko munang 1) meron ng lahat ng sahog dito sa Pilipinas, at 2) madali para sa akin (kung isasaalang-alang na di ako "kitchen-person") ang mga paraan ng pagluluto bago ko gawin at sundin ang recipe na iyon.
Oven-Fried Chicken Pieces
2 tablespoons margarine or butter
4 boned skinless medium chicken breast halves (about 1 pound total) or 8 chicken thighs, skinned (about 2.5 pounds)
1 cup cornbread or herb-seasoned stuffing mix or cornflakes, coarsely crushed
Ang galing! Malasang-malasa ang kinalabasan ng luto ko! Ewan ko ba kung may kiling lang ako kasi paborito ko ang manok (lalo na ang fried chicken), pero masarap siya talaga. Sa totoo lang, ang ginawa ko dito, yung dinurog na cornflakes, hinaluan ko ng breading mix. Kung hindi lang talaga mas malaki ang konsumo sa gasul ng paggamit ng oven o hurno kesa sa paggamit ng kalan, palagi ko na lang gagawin ito.
Sa susunod na paggawa ko nito, mas pipinuhin ko pa ang pagdurog sa cornflakes. Hindi ko kasi masyadong dinurog, yung medyo malalaking piraso kasi ng cornflakes dito sa ginawa ko, kumunat. Pero kahit makunat, nasipsip naman niya yung pinaghalong lasa ng manok at nung breading mix, kaya panalo pa rin yung lasa kahit makunat ;)
Salamat nga pala sa asawa ko sa pagkuha ng mga larawang ito gamit ang kanyang cellphone.

- Set oven to 375º. Place margarine in a shallow baking pan; place in oven for 3 to 4 minutes or until margarine melts.
- Meanwhile, rinse chicken; pat dry. Dip chicken pieces into melted margarine; then roll in stuffing mix or cornflakes to coat. Place chicken pieces atop remaining melted margarine in the pan. Bake in a 375º oven 20 to 25 minutes for breasts or 35 to 45 minutes for thighs, or till tender and no longer pink. Makes 4 servings.
Ang galing! Malasang-malasa ang kinalabasan ng luto ko! Ewan ko ba kung may kiling lang ako kasi paborito ko ang manok (lalo na ang fried chicken), pero masarap siya talaga. Sa totoo lang, ang ginawa ko dito, yung dinurog na cornflakes, hinaluan ko ng breading mix. Kung hindi lang talaga mas malaki ang konsumo sa gasul ng paggamit ng oven o hurno kesa sa paggamit ng kalan, palagi ko na lang gagawin ito.
Sa susunod na paggawa ko nito, mas pipinuhin ko pa ang pagdurog sa cornflakes. Hindi ko kasi masyadong dinurog, yung medyo malalaking piraso kasi ng cornflakes dito sa ginawa ko, kumunat. Pero kahit makunat, nasipsip naman niya yung pinaghalong lasa ng manok at nung breading mix, kaya panalo pa rin yung lasa kahit makunat ;)
Salamat nga pala sa asawa ko sa pagkuha ng mga larawang ito gamit ang kanyang cellphone.
No comments:
Post a Comment