Di ko maalala kung Adobo Sandwich nga ba ang eksaktong pangalan ng kinuha naming ito sa The Aristocrat. Nagagandahan ako sa "presentation" nila nito kaya kinuhanan ko ng larawan. Hiniwa ko yung tinapay para makita at maalala ko ang loob nito. Hindi ko masyadong naintindihan kung bakit may kasamang ketchup ito, kasi para sa akin hindi naman sinasawsaw ang adobo sa ketchup :D
Natuwa ako na nalagyan nila ng kanilang logo o tatak itong tinapay. Medyo naliitan lang ako sa sandwich na ito para sa presyo niyang 90 piso. Pero masarap ang timpla ng adobo, "lasang Pinoy" talaga. Gusto ko rin na tamang-tama lang ang pagkakatusta ng tinapay nito.

No comments:
Post a Comment